FEDERALISM | Unicameral Legislative System, iginiit; Senado, nagpapabagal daw sa pagpapasa ng mga batas

Manila, Philippines – Suportado ng mayorya ng mga mambabatas sa Kamara ang Federalism sa bansa.

Naniniwala ang mga kongresista na mas mapapadali ang pagsasabatas ng mga panukala sa ilalim ng Federalism.

Ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone, sa ilalim ng Federalism, ang mga panukala at iba pang mga usapin sa mga rehiyon ay kaagad maaksyunan dahil ito ay regional assembly na.


Ang national legislative assembly naman ay tututok na lamang sa mga national concerns tulad ng foreign relations, national security at iba pa.

Sinabi naman ni House Committee in Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na duplication na lamang ng legislative work ng Kamara ang Senado.

Sinegundahan din nito ang pahayag ni Alvarez na ang Senado ang nagiging sanhi ng delay para sa pagpasa ng mga batas bukod pa sa nasasayang ang resources ng pamahalaan.

Para naman kay Surigao Representative Johny Pimentel mas magiging madali ang pagpasa ng batas ng magkakaroon ng unicameral legislative system o iisang Kapulungan para sa mas madali na pagpapasa ng batas.

Facebook Comments