Manila, Philippines – Nagbabanta na si House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga kongresistang hindi susuporta sa isinusulong na Charter Change (Cha-Cha).
Sinabi ito ni Alvarez sa mga bagong miyembro ng PDP Laban, kung saan binigyang diin nito na talagang tutuluyan niyang bigyan ng “zero budget” ang mga kongresista na hindi makikiisa sa Cha-Cha ng administrasyon.
Dito ay ipinaliwanag ng Speaker ang layunin ng pagpapalit ng porma ng gobyerno patungo sa Federalismo.
Ginarantiyahan din niya na sa pamamagitan ng Federalismo ay aasenso na ang mga lalawigan dahil direkta na nilang mapapakinabangan ang kita ng kanilang mga lalawigan.
Subalit sa bandang huli ay sinabi ng lider ng Kamara na iyong ibang probinsya na ayaw makisama ay ma-zezero budget.
Nilinaw ni Alvarez na hindi ito pamimilit dahil kung ayaw sumama para sa Cha-cha ay ginagalang niya iyon at karapatan nila iyon.
Hirit pa nito, igalang din ng mga mambabatas ang karapatan niya para bigyan ang ibang kongresista ng zero budget.