Target na maipatupad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang federalismo.
Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kaniyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Palasyo ng Malacañang ngayong araw.
Ayon sa pangulo, mas matatag ang political structure kung ibababa at ikakalat ang kapangyarihan at function ng pamahalaan.
Kailangan aniyang baguhin ang uri ng gobyerno at ang pag-iisip ng publiko at politiko para mas maging maganda ang sistema ng pamamahala sa bansa.
Samantala, inatasan din ni Pangulong Marcos ang kaniyang mga kapartido na simulan nang palakasin ang kanilang hanay para sa 2025 national elections.
Facebook Comments