Inaasahan na nang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc., na tataas sa 6.5 hanggang 7.5 percent ang paglago ng ekonomiya ngayong taong 2023.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Lily Lim, ang Vice Chairperson ng Media and Public Information Affairs ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc., na maraming factors kaya mas lalago ang ekonomiya ng bansa.
Una aniya ay dahil nabawasan nabawasan na ang restrictions sa COVID situations.
Pangawala, yumayabong ang sektor ng turismo at patuloy na nagkakaroon ng infrastructure at development kasabay nang pagkakaisa para isulong ang mga ito.
Facebook Comments