Magkakaloob ng ₱100 million pesos na donasyon sa Department of Health (DOH) ang Federation of Fiipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCI).
Ito ay bilang tugon ng mga Chinese Filipino businessmen sa pagkakaibigan ng Pilipinas at China sa panahon ng krisis at mga kalamidad.
Sabi ni Dr. Henry Lim Bon Liong, pangulo ng FFCCII, ang halagang kanilang ibibigay sa pamahalaan ay upang may magamit na mga medical supplies tulad ng mga testing kits at iba pang medical paraphernalias na gagamitin kontra Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Makikipag-ugnayan din daw sila sa Chinese Embassy upang himukin ang Chinese government na magpadala ng mga medical supplies, medical doctors at medical personnel na tulungan ang Pilipinas sa pagsugpo ng COVID-19.
Sa panig nilang mga negosyante, magbibigay daw sila ng mga libreng bigas at groceries sa kanilang mga empleyado na maaaring maapektuhan ng community lockdown.
Mayroon din, aniyang, mga identification card na ibinigay sa kanilang mga empleyado na maaaring magamit ng mga ito papasok sa kanilang mga trabaho.