Manila, Philippines – Positibo ang feedback na nakukuha ni Senate President Koko Pimentel mula sa mga naninirahan sa ilang lugar sa Mindanao kaugnay sa martial law na idineklara ni President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Pimentel, ang positive feedback ay nakarating sa kanya mula sa mga naninirahan sa Cagayan De Oro, Lanao Del Sur at iba pang bahagi ng Mindanao.
Buo ang kumpyansa ni Pimentel na ang naging tugon ni Pangulong Duterte laban sa teroristang umatake sa Marawi ay may legal na basehan at naglalayong proteksyunan ang intres at kaligtasan ng publiko.
Samantala, plano naman ni Sen. Pimentel na magpatawag ng caucus ngayong weekend at sa Lunes kaugnay pa rin sa martial law at suspension ng Writ of Habeas Corpus na umiiral sa buong Mindanao.
Sabi naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto III, tuloy na sa Lunes ang briefing sa mga senador nina Armed Forces Chief Gen. Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana, at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
DZXL558, Grace Mariano