Manila, Philippines – Walo sa bawat 10 Pilipino ang naniniwalang malaki ang naitulong ng pagiging miyembro ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula December 8 hanggang 16, 2017 sa 1,200 respondents 79% ng mga Pilipino ang nagsabing malaking benepisyo ang nakukuha ng bansa sa pagiging ASEAN member-state. 15% ang nagsabing sobrang malaki ang naitutulong, 24% naman ang naghayag na malaki ang naitutulong habang 31% ang naniniwalang medyo nakatutulong. Nasa 9% naman ang nagsabing maliit lamang naitutulong ng ASEAN sa bansa. Tatlong porsyento naman ang nagsabing walang naitutulong ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa ASEAN. Dalawang porsyento naman ang nagsabing hindi nila alam ang ASEAN habang nasa 17% naman ang walang sagot. Karamihan sa mga positibong sagot ay galing sa mga respondent na may higher educational attainment kabilang ang mga college graduates at high school graduates.
FEEDBACK | Walo sa bawat 10 Pilipino, naniniwalang malaki ang naitutulong ng pagiging ASEAN-member state ng Pilipinas
Facebook Comments