Cauayan City, Isabela- Matagumpay na isinagawa ng kapulisan ng PNP Nagtipunan ang paghahatid ng libreng gupit at pagpapakain sa ilang mga katutubong mag-aaral ng Dioryong Integrated School sa Sitio Dioryong sa Brgy. Disimungal, Nagtipunan, Quirino.
Pinangunahan mismo ni Police Major Ernesto Duque Jr. kasama ang mga tropa mula sa 2nd Quirino Provincial Force Mobile Company sa pamumuno ni Police Lt. Colonel Walter Pasicolan, force commander, at mga kinatawan mula sa BFP-Nagtipunan ang pagsasagawa ng feeding activity at paggugupit.
Umaabot naman sa 30 na mga bata ang nabenepisyuhan sa nasabing aktibidad.
Bukod dito, namahagi rin ng libreng facemask ang kapulisan sa mga katutubo na labis namang ipinagsasalamat ng mga ito.
Facebook Comments