Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na itutuloy nila ang feeding program para sa 1.7 milyon student-beneficiaries sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, iko-customize ang programa depende sa public health situation ng mga eskwelahan.
Paliwanag ni Sevilla, ang bawat paaralan ay may iba’t ibang proseso sa pagsasagawa ng kani-kanilang feeding program.
Ang mga lokal na pamahalaan at mga magulang ay kokonsultahin din sa pagpapatupad ng programa.
Mula sa ₱6.475 billion na budget ng ahensya para sa feeding program ay bumaba ito ng 7.72% o nasa ₱5.975 billion para sa susunod na taon.
Facebook Comments