FEEDING PROGRAM PARA SA NUTRISYON NG KABATAANG DAGUPEÑO, PATULOY NA ISINASAGAWA

Patuloy ang paglilibot ng Pamahalaang Panglungsod ng Dagupan sa mga paaralan at barangay upang ihatid ang mga programang tututok sa pagbibigay nutrisyon sa mga kabataan.

Ayon kay Councilor Danny Canto, sinisikap ng pamahalaan na puntahan ang bawat sulok ng lungsod upang makita ang kalagayan ng mga kabataan mula sa kanilang pagkain at estado ng pangangatawan.

Binigyang-diin nito ang mga programang kanilang isinasagawa na naglalayong palakasin ang mga bata at mawakasan ang kagutuman.

Nagiging possible rin umano ang pagpapatupad ng mga programa dahil sa tulong ng mga kawani ng barangay at ng komunidad.

Sa kasalukuyan, patuloy ang mga isinasagawang feeding program at mga pamamahagi ng mga pangangailangan ng mga kabataan sa lungsod

Facebook Comments