
Muling inilunsad sa Dagupan ang feeding program na “Apple of My Eye” kasabay ng pagdiriwang ng City Fiesta, na sinimulan sa Sitio Calamiong, Brgy. Bonuan Gueset nitong Disyembre 8.
Pinangunahan ng City Nutrition Office ang aktibidad, kung saan namahagi ng mainit na lomi, mansanas, milk drink, at hygiene kits para sa mga bata at residente.
Layon ng programa na maghatid ng masustansyang pagkain at karagdagang suporta sa mga kabahayan ngayong panahon ng pista.
Nakatakdang umikot ang feeding program sa 31 barangay ng lungsod bilang bahagi ng taunang selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









