Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Pozorrubio ang programang Supplementary Feeding of Malnourished Preschoolers nitong ika-3 ng Oktubre upang tugunan ang suliranin ng malnutrisyon sa mga batang edad 2 hanggang 4 na taon.
Ayon sa tala ng Pozorrubio Nutrition Office, 42 batang preschool ang natukoy na malnourished mula pa noong Enero at sila ang pangunahing makikinabang sa feeding program.
Isasagawa ito sa loob ng 90 araw upang mapabuti ang timbang at kalusugan ng mga bata.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na ang regular na nutrisyon ng mga bata ay mahalaga sa kanilang pisikal at mental na pag-unlad.
Sa pamamagitan ng naturang programa, inaasahang masusuri at matutugunan ang pangangailangan sa wastong pagkain ng mga preschooler upang makamit ang normal na timbang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









