Wednesday, January 21, 2026

‘Feelers’ ni Zaldy Co, hindi makakaapekto sa imbestigasyon sa mga kaso —DOJ

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hind makaaapekto sa mga kinakaharap na kaso ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang mga umano’y pagpaparamdam nito ngayon.

Ito ay matapos sabihin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na may ‘feelers’ si Co na ipinadala sa pamahalaan para humingi ng dayalogo.

Ayon kay DOJ Sec. Eric Vida, hindi nila ibinabatay ang mga ebidensiya na wala naman sa mga proseso.

Sabi ng kaihim, sa mga ebidensiyang pormal na isinumite sa kanila pa rin babatay ang prosecutors.

Nahaharap si Co sa patung-patong na reklamo kabilang na ang malversation, graft at plunder dahil sa pagkakadawit sa mga maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments