Italy – Hindi pa rin makapaniwala ang singer na si Katy Perry matapos nitong makaharap si Pope Francis sa Rome, Italy.
Nagsilbi kasi bilang speaker si Katy sa International Conference ng Vatican para sa mga cancer patient.
Agaw pansin naman ang kanyang rumored celebrity boyfriend na si Orlando Bloom kasama niya ng mga oras na iyon.
Honored din si Katy dahil bihira sa isang katulad niya na maharap at makausap ang Santo Papa.
Matatandaan naman na naghiwalay sina Katy at Orlando noong 2017 matapos ang isang taong relasyon pero usap-usapan na nagkabalikan silang dalawa.
Facebook Comments