Felix Saludar nanguna sa JGFP FCG winners; kakatawan para sa PH sa World Junior Golf Championship sa US

Ilang mga kabataang pinoy ang kakatawan para sa bansa sa darating na FCG Callaway World Junior Golf Championship na gaganapin sa Estados Unidos.

ito ay sina Zachary Castro, Anna Fernandez at Felix Saludar.

Si Castro at si Miko Granada ang rerepresenta para sa Pilipinas sa boys’ centerpiece 15-18 division.


Habang si Fernandez at Minghui Li ang sa girls’ division.

Si Saludar naman at Gabriel See ang maglalaro para sa 13-14 division ng boys.

Si Felix ay ang labingtatlong taong gulang na anak ng beteranong broadcaster at Radyoman Ely Saludar.

Kamakailan ay nakakuha siya ng 54-hole 257 sa qualifying series ng Eagle Ridge at nakashoot ng 11-over-par 83 sa final round para magwagi laban kay See.

Facebook Comments