Magpapatuloy pa rin ang serbisyo ng ferry sa ilang mga biyahe nito, kabilang na ang sa Guadalupe, Makati.
Matatandaan na nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang walang biyahe sa apat na istasyon ng Pasig River Ferry Service dahil sa isinasaayos na sirang pontoon o floating bridge sa ilang lugar.
Ayon sa MMDA, non-operational ang mga istasyon ng Valenzuela, Maybunga, Lambingan at PUP.
Samantala, libre naman ang sakay sa Pasig River Ferry Service at operational mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Facebook Comments