Umabot sa 1,141 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa Mapandan ang nakatanggap ng fertilizer assistance na ipinagkaloob ng Department of Agriculture Regional Field Office I sa ilalim ng Fertilizer Assistance Program para sa Wet Season 2025.
Layunin ng programa na mapalakas ang produksyon ng mga pananim at matulungan ang mga magsasaka sa kanilang gastusin sa pataba, lalo na ngayong panahon ng pagtatanim.
Patuloy na pinatitibay ng pamahalaan ang suporta sa sektor ng agrikultura bilang isa sa pinakamahalagang haligi ng kabuhayan sa Mapandan.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na magpapatuloy ang mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka tungo sa mas masaganang ani at maunlad na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







