Manila, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan ang Fertilizer Fund Scam Case na isinampa ng Ombudsman laban kina Leyte 5th District Representative Jose Carlos Cari at misis niyang si Baybay City Mayor Carmen Cari.
Para ito sa mga kasong paglabag sa Anti-Graft And Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds or Property ng mag-asawa noong Agosto 2017.
Ang mga kaso ay kaugnay ng umano’y pag-apruba ng dalawang opisyal sa pagbili ng 600 galong ng abono sa Castle Rock Construction nang hindi dumaan sa public bidding.
Pero base sa sampung pahinang resolution ng Sandiganbayan 2nd Division – bigong patunayan ng Ombudsman ang pagkakasala ng mag-asawang Cari matapos ang 11 taon nilang fact-finding at preliminary investigation.
Inabswelto rin ng Sandiganbayan ang kapwa akusado nina Cari na sina dating City Accountant Evelinda Oppus at City Treasurer Paquita Austero.
FERTILIZER FUND SCAM | Kaso ng mag-asawang Congressman at Mayor Cari, binasura ng Ombudsman
Facebook Comments