FERTILIZER FUND SCAM | Pork barrel queen Janet Lim-Napoles, pinakakasuhan ng Ombudsman

Manila, Philippines – Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles at mga dating opisyal ng Department of Agriculture (DA) kaugnay ng fertilizer fund scam.

Sa resolusyon ng anti-graft body, natukoy ang pagpasok ng P5 milyong pondo ng DA Regional Field Unit – Caraga para sa Agricultural Reinforcement Project sa Del Carmen, Surigao del Norte noong 2004.

Pero lumabas sa imbestigasyon na walang nakalaang pondo para sa nasabing proyekto sa ilalim ng general appropriations act sa halip ay ipinasok ito sa Philippine Social Development Foundation, Inc. (PSDFI) bilang non-government office.


Maliban kay Napoles, nahaharap din sa kasong graft at malversation sina DA Assistant Regional Director Edgardo Dahino; Chief Admin. Officer Jessica Da-An; Admin. Officer Merylinda Santos at Accountant III Gerry Leop.

Kinasuhan din pati ang mga kawani ng PSDFI na sina Evelyn De Leon at Rodel Pontillas.

Facebook Comments