Fetus na nakalagay sa ice cream container, iniwan sa basurahan

431
Image from Radyo Bandera Sweet FM - Dumaguete

DUMAGUETE CITY – Nadiskubre ang isang fetus na inilagay sa loob ng ice cream container at iniwan sa basurahan sa Barangay Candau-ay.

Ayon sa mga residente, isang basurero ang nakakita sa kaawa-awang sanggol, pasado alas-10 ng gabi nitong Huwebes. Agad umano silang nakipag-ugnayan sa mga pulis hinggil sa insidente.

Tinatayang nasa anim hanggang pitong buwan pa lamang ang natagpuang fetus na isang lalaki.


Batay sa ulat ng pulisya, nakuha ang ice cream container mula sa mga basurang nakolekta mula sa City Public Market.

Itinurnover sa City Health Office ang fetus para mailibing ng maayos.

Patuloy pa rin inaalam ng awtoridad kung sino ang nag-iwan ng fetus sa nasabing pamilihang bayan.



Facebook Comments