Fetus ,nadiskubre ng isang mangingisda napalutang-lutang sa dagat sa Zamboanga del Norte

Zamboanga del Norte – Isang fetus na nakalutang sa dagat ang nadiskubre ng isang mangingisda sa lungsod ng Sindangan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Sa report ng Zamboanga del Norte PNP Provincial Command, ang naturang fetus ay nakita ng isang Andres Balawing, 46 anyos, residente ng Barangay Siari ng nasabinglungsod.

Papalaot na sana si Balawing ng makitaangisang female fetus na naka-attach pa sa katawan nito ang kanyang umbilical cord at nagpalutang-lutang 100 meters mula sa baybayin ng Barangay RG Macias.


Agad na kinuha nito ang wala ng buhay na fetus at ipinaalam sa barangay chairman.

Sa ginawang examination ng isang Rural Health Unit personnel nalaman, na ang naturang female fetus ay ilang oras pa lamang na itinapon sa dagat.

Patuloy ngayon ang ginawang imbestigasyon ng Sindangan PNP at nagpalabasrin ng direktiba ang Chief of Women’s and Childen’s Desk sa lahat ng mga midwives nanaka-assign sa mga coastal barangays salungsod sa pagsumite ng mga pangalan ng mga buntis na sumailalim ng pre-natal checkup sakanilang 7th to 9th month na pagbubuntis.

Facebook Comments