Kumpiyansa ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na maaabot ng Pilipinas ang 6.5% hanggang 7.5% na economic growth sa 2023.
Ito ay sa kabila ng pinangangambahang world economic recession sa susunod na taon.
Ayon kay FFCCCII President Henry Lim Bon Liong , nakikita kasi nila ang patuloy na pagbangon ng ekonomiya sa Asya matapos ang global pandemic.
Kumpiyansa rin ang FFCCCII na magdadala ng economic benefits sa Pilipinas ang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa China sa susunod na taon.
Facebook Comments