FFUP: P 6.8 M na Shabu nasabat ng PDEA ARMM

Tiklo sa operasyon ng PDEA ARMM at Cotabato City PNP ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng tinatayang 6.8 Million Pesos na halaga ng Shabu.

Isinagawa ang Drug Buy Bust Operation sa City Plaza na pinangunahan ni PDEA ARMM Director Juvenal Azurin kasama ang 5TH Special Force Battalion, City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), CCPO-Police Station-1, Highway Patrol Group, Explosive and Ordinance Disposal (EOD), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-ARMM, TMC Cotabato City at Cotabato City LGU- Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) mag aalas dos kahapon resulta sa pagkakaresto ng mga drug suspeks na sina Benjie Kaurak Macmod alyas Datu, 20 years old, driver , residente ng Barangay Tenorio, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at Tahir Mamasingod Kabalu, 38 years old, driver at residente ng Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa impormasyon mula sa mga otoridad nagpanggap na buyer ang isang agent ng PDEA ARMM resulta sa pagkakaaresto ng mga tinuturing na High Value Target na mga suspected drug pusher, sinasabing punterya lamang sana ng mga taga PDEA ARMM ang shabung nagkakahalaga ng 50K ngunit nabulaga sila sa dalang 20 Jumbo Sachet ng Shabu ng mga suspeks .


Maliban sa Shabu , dalawang Granada pa ang nakumpiska sa mga suspek.

Pinasalamatan naman ni City Mayor Atty Frances Cynthia Guiani ang mga operatiba ng PDEA at City PNP sa suporta ng mga ito sa kanilang mas pinalakas na kampamya kontra droga sa apat na sulok ng syudad kasabay ng pagpapaalala sa mga nasasangkot sa droga na walang puwang sa syudad ang mga ito.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa maaring mga kasamahan pa ng mga naaresto habanag kasalukuyang himas rehas na ang mga ito sa selda ng PDEA ARMM sa Cotabato City.
CM Pic

Facebook Comments