FFW at OFWs, natutuwa sa pahayag ni PRRD na boluntaryo na lang ang pagbabayad sa PhilHealth

Nagpahayag ng kasiyahan ang mga miyembro ng Federation of Free Workers (FFW) at Overseas Filipino Workers (OFWs) sa naging hakbang ni President Rodrigo Duterte na boluntaryo nalamang ang pagbabayad ng mga OFW at hindi compulsory sa PhilHealth premium.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, isa umano malaking tagumpay para sa kanilang kasapi na si Jun Avelino na nagtatrabaho sa Monaco kung saan inihayag nito na kapag nagsama sama sila sa paglaban sa iisa isyu napakalaking pagkakataon na silay magtatagumpay.

Paliwanag ni Atty. Matula, sa usapin ng PhilHealth nag-iingay ang kanilang grupo at susunod na mga apela hanggang sa makarating sa Pangulo ang kanilang karaingan kaya nagpapasalamat sila sa Pangulong Duterte na pinakinggan nito ang kanilang panawagan na magiging boluntaryo nalamang ang pagbabayad sa PhilHealth.


Sa panig naman ni Ressie Fos President ng Bayanihan ng Manggagawa sa Konstruksyon sa Qatar sa ngayon aniya ay wala talagang ginawang consultation tungkol sa Universal Health Care sa Qatar maging sa mga Filipino community ay walang konsultasyon.

Hinikayat ng grupo ang PhilHealth na gumawa ng desensyo ng package ng mga benepisyo na akmang-akma sa pangangailangan ng mga OFW.

Facebook Comments