
Itinuturing nang person of interest ng Quezon City Police District o QCPD si Mark Arjay Reyes, ang fiancé ng nawawalang bride-to-be na si Sherra de Juan.
Ayon kay QCPD Director PCol. Randy Sylvio, tiniyak umano ni Reyes sa QCPD na handa siyang maimbestigahan.
Ngayong araw ay lalabas din ang resulta ng forensic examination sa mga gadget ni Sherra.
Si De Luna, 30, ay misteryosong nawala noong Disyembre 10, apat na araw bago ang kanilang kasal ng kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes.
Sinabi ni Reyes na masaya pa umano na ibinalita ni Sherra na dumating na ang kanyang wedding gown noong Disyembre 10 at nagpaalam sa kanya na bibili ng sandals sa isang mall sa Fairview.
Ngunit nang umuwi ng kanilang bahay si Mark galing ng trabaho, napansin niyang wala pa ang kanyang fiancee.
Nakita naman sa barangay CCTV si Sherra ala-1:29 ng hapon noong Disyembre 10 na tumatawid sa Atherton Street.
Huling nahagip ng camera sa isang gasoline station ala-1:37 ng hapon si De Juan.









