Inilabas na ng FIBA, ang world governing body ng basketball, ang parusa sa mga nasangkot sa naganap na rambulan sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia noong July 2 sa Philippine Arena.
Dahil sa unsportsmanlike behavior suspendido sina:
Japeth Aguilar at Matthew Wright (1 game); Terrence Romeo, Jayson Castro, Andray Blatche, Troy Rosario (3 games); Roger Pogoy, Jio Jalalon, Carl Bryan Cruz (5 games) at Calvin Abueva (6 games).
Suspendido rin si assistant coach Jong Uichico ng tatlong laro samantalang banned ng isang game si Head Coach Chot Reyes at pinagmumulta ito ng 10,000 swiss francs o mahigit kalahationg milyong piso.
Pinagbabayad din ng 250,000 swiss francs o mahigit P13.250-M ang Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Dahil sa gulo, gagawin closed door ang dalawang home games ng Pilipinas habang naka probation sa loob ng tatlong taon ang dalawang karagdagang home game ng Gilas.
Sa panig naman ng Boomers, tatlong player ang suspendido habang pinagmumulta naman ang Basketball Australia ng 100,000 swiss francs o mahigit kalahating milyong piso.