FIBA 3×3 WORLD CUP | Standhardinger, pangungunahan ang national men’s basketball team

Manila, Philippines – Inanunisyo na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mga players na sasali sa FIBA 3×3 World Cup na idaraos dito sa bansa sa buwan ng Hunyo.

Pangungunahan ni Fil-German Christian Standhardinger ang men’s squad kasama sina Troy rosario at Roger Pogoy ng TNT, maging ang guard ng GlobalPort na si Stanley Pringle.

Magiging coach naman ng men’s national team si dating PBA star Ronnie Magsanoc.


Gaganapin ang 3×3 international basketball event sa Philippine Arena sa Bulacan mula Hunyo 8 hanggang 12.

Facebook Comments