FIBA 3X3| Pilipinas haharapin ang Canada at Russia mamaya

Manila, Philippines – Dadaan sa butas ng karayom ang Pilipinas bago ito makakausad sa quarterfinals ng FIBA 3×3 World Cup na ginaganap ngayon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Makakaharap kasi nina Stanley Pringle, Troy Rosario, RR Pogoy at Christian Standhardinger ang wala pang talong Canada mamayang 4.45 ng hapon.

Pagkatapos muling babalik sa hard court ang Pilipinas ala siyete ng gabi para naman harapin ang Russia.


Kasalukuyang may kartadang isang panalo at isang talo ang mga Pinoy matapos talunin ang Brazil at lumuhod sa Mongolia noong Sabado ang Pilipinas.

Kailangan maipanalo ng host team ang dalawang laro para matiyak ang pag-pasok nila sa knock-out stage ng torneo.

Facebook Comments