FIBA 3X3 WORLD CUP | Coach Ronnie Magsanoc, nagpaliwanag sa hindi pagkuha kina Terrence Romeo at Calvin Abueva

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ngayon ni Coach Ronnie Magsanoc kung bakit hindi nakasali sa national squad sina Terrence Romero at Calvin Abueva na sasabak sa FIBA 3×3 World Cup mula June 8-12 na gaganapin sa Philippine Arena.

Ayon kay Magsanoc, naging mahirap para sa kanila na hindi isama sa line-up ang top scorer na si Romeo at ang fierce defender na si Abueva.

Pero, sinabi ni Magsanoc na kinailangan nilang kumuha ng mga players na hindi pa nai-scout ng ibang team lalo na at hindi madali na makakuha ng panalo sa malalakas na koponan mula sa ibang bansa.


Umaasa naman si Magsanoc na magiging maganda ang performance nina Christian Standhardinger, Roger Pogoy, Stanley Pringle at Troy Rosario sa FIBA 3×3 World Cup.

Facebook Comments