FIBA | Australian basketball team, inireklamo ng mga organizers

Manila, Philippines – Dismayado ang mga organizers sa ginawang pambabastos umano ng Australian basketball team sa isinagawa nilang closed-door practice sa Philippine Arena para sa magiging laban nila kontra Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nabatid na tinanggal ng mga players at coaching staff ang mga stickers na nasa basketball court na aprubado ng FIBA ng walang paalam.

Iginiit daw ng mga ito na madulas kapag natatapakan ang mga stickers kaya sila na mismo ang nagtanggal nito dahil delikado daw sa mga players.


Bukod sa mga nasabing stickers, pinilit din daw nilang tanggalin ang FIBA logo sa center court pero hindi nila ito kinaya.

Agad naman inireklamo ng mga organizers sa FIBA ang ginawang hakbang ng Australian team kung saan inaabangan pa ngayon kung ano ang magiging desisyon sa inasal ng mga ito.

Facebook Comments