FIBA BASKETBALL WORLD CUP | Kobe Bryant, hinirang na Global Ambassador

30

Hinirang si dating NBA Superstar Kobe Bryant bilang Global Ambassador para sa 2019 FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa China.

Nabatid kasi na si Bryant ay ikinukunsidera bilang isa sa mga best players sa basketball history at greatest athletes sa buong mundo.

Siya din ang NBA player na may pinakamaraming followers sa Chinese social media na aabot sa 6.84 milyon.

Dahil diyan, isang mensahe ang ipinaabot ni Bryant sa mga kasaling bansa sa nasabing international tournament.

Sa video feature ni Bryant, makikita din dito ang highlights na slam dunk ni Gabe Norwood noong nakalaban ng Gilas ang Argentina.

Matatandaan na sa kanyang 20-year career, nagwagi si Bryant ng limang NBA championships para sa Los Angeles Lakers at dalawang Olympic gold medals para sa team USA.

Facebook Comments