Makikipagpulong si Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao sa pamunuan ng PBA sa Nobyembre 6 para pag-usapan ang fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Dito ay ipe-presinta ni Guiao ang kaniyang programa sa harap ng PBA Board of Governors kung saan isa-submit din nito ang pangalanan ng 20-man pool para sa back-to-back home games ng Gilas sa November 30 at December 3.
Unang makakaharap ng national team ang Kazakhstan bago sumabak sa showdown kontra Iran na gaganapin sa Pasay City.
Posible naman isama na ni Guiao sa national team sina naturalized center Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario makaraang matapos ang suspensyong ipinataw sa kanila ng FIBA sa nangyaring gulo sa laro ng Gilas-Australia sa Philippine Arena noong Hulyo.