FIBA | Coach Guiao, pinangalanan na ang 20-man pool ng national team

Manila, Philippines – Pinangalanan na ni head coach Yeng Guiao ang 20-man pool ng national team na sasabak sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ilan sa mga players ay sina Greg Slaughter, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Gabe Norwood, Jayson Castro, Paul Lee, Troy Rosario, Arwind Santos, Alex Cabagnot, LA Tenorio, Marcio Lassiter, Matthew Wright, Beau Belga, Ian Sangalang, Poy Erram, Stanley Pringle at Christian Standhardinger.

Kabilang din sa national pool ang mga miyembro ng Gilas Cadet na sina Kai Sotto at Ricci Rivero subalit hindi naman nakasama sina Andray Blatche at Terrence Romeo.


Ayon kay coach Yeng, ilan sa mga ikinonsidera nila sa pagbuo ng roster ay ang “chemistry” at “strong bond” na nabuo ng mga players.

Sinabi pa ni Guiao na hindi pa final ang listahan at kanila pa itong babawasan bago ang tune-up games ng nationals sa team ng Jordan (November 19 at 21) at Lebanon (Novemeber 23 at 25).
Ang nasabing fifth window games naman ng World Cup Qualifiers ay gaganapin sa bansa sa November 30 kontra Kazakhstan at December 3 laban sa Iran.

Facebook Comments