FIBA | Curry – hindi makakasama sa training camp ng Team USA sa Las Vegas

Las Vegas – Hindi makakasama si Golden State Warriors point guard Stephen Curry sa training camp ng Team USA na gaganapin sa susunod na linggo sa Las Vegas.

Ayon kay Curry, may naka-schedule kasi siyang bakasyon kasama ang kanyang pamilya.

Ang minicamp sa July 25 hanggang 27 ay bahagi ng paghahanda ng USA sa 2019 Fiba World Cup sa China at 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.


Isa ang two-time nba Most Valuable Player sa tatlumpu’t limang (35) NBA players na napabilang sa national team.
Pero labindalawa lang sa kanila ang pipiliin para makalahok sa mga nabanggit na torneo.

Facebook Comments