FIBA | Ex-POC Chairman Monico Puentevella, naniniwalang may problema sa pagpili ng players ng Gilas

Manila, Philippines – Posibleng may problema sa selection ng mga players para sa Gilas Pilipinas.

Ito ang sinabi ni dating Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Monico Puentevella kasunod ng nangyaring rambulan ng Gilas at Australia sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Para kay Puentevella, hindi maituturing na national team ang kasalukuyang line-up ng Gilas dahil wala ang magagaling na PBA players gaya nina LA Tenorio, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at Arwind Santos.


Gaya aniya ng pagdala noon ni Tenorio sa Pilipinas sa championship ng 2012 Jones Cup nang talunin nila ang Amerika.

Dagdag pa ni Puetevella, “height is still might.”

Facebook Comments