FIBA | Fajardo at Slaughter maglalaro kontra Kazakhstan at Iran

Masosolusyunan na rin ang problema ng Team Pilipinas kontra sa mga malalaking koponan sa pagpapatuloy ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Inaasahan na kasi ang paglalaro sa national team nina June Mar Fajardo at Greg Slaughter kontra sa Iran at Kazakhstan bago matapos ang taon.

Kapag nangyari, may twin towers na ang Pilipinas na kayang makipagsabayan sa ilalim at protektahan ang ring kontra sa big men ng Iran gaya ni Hamed Haddidi.


Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), umaasa silang injury free sina Fajardo at Slaughter pagdating ng FIBA window sa Nobyembre at Disyembre.

Makakaharap ng Team Pilipinas ang Kazakhstan sa Nobyembre 30 at Iran sa Disyembre 3. Parehong sa Pilipinas gaganapin ang mga laro.

Maalalang hindi nakapagpalaro kontra Iran at Qatar si Fajardo dahil sa shin injury habang may ankle sprain naman si Slaughter.

Facebook Comments