FIBA | Gilas Pilipinas, handa na sa rematch nito kontra Australia

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Gilas Pilipinas ang rematch nito kontra Australia sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin bukas ng gabi.

Ayon kay Gilas Coach Chot Reyes – ang sapat na pahinga at magandang preparasyon ang magiging susi ng kanilang panalo.

Reresbakan ng Pambasang Koponan ang Australia na tumalo sa kanila, 84-68 sa second window noong Pebrero 22 sa margaret court sa Melbourne.


Muling aasahan sina naturalized center Andray Blatche, four-time PBA MVP June Mar Fajardo, Jayson Castro at Terrence Romeo.

Facebook Comments