FIBA: Gilas Pilipinas, kinapos kontra Dominican Republic

Kinapos ng ilang puntos ang Gilas Pilipinas para maipanalo ang laban kontra Dominican Republic sa group a ng FIBA Basketball World Cup 2023 na ginanap sa Philippine Arena kahapon.

Nagtapos ang laban sa iskor na 87-81, kung saan kumamada ng 28 points si Jordan Clarkson para sa national team.

Nanguna naman sa panalo ng Dominican Republic ang Minnesota Timberwolves star na si Karl-Anthony Towns na nakaipon ng 26 puntos.


Aminado si Clarkson na nalungkot siya sa kinalabasan ng laban pero na-amaze naman daw siya sa ipinakitang suporta ng mga Pilipinong nanood sa Philippine Arena.

Sa ibang laro, bumuslo ng 27 points at 10 rebounds si NBA star Nikola Vucevic para pangunahan ang panalo ng Montenegro kontra Mexico, 91-71, sa Group D na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Habang naka-buena mano rin ng panalo ang Italy sa naging laban nito kontra Angola, 81-67.

Facebook Comments