FIBA | Gilas Pilipinas, kumpiyansa kontra Chinese Taipei sa FIBA World Cup Qualifiers

Taiwan – Target ng Gilas Pilipinas na maitala ang kanilang ikaapat na panalo kontra Chinese Taipei sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Qualifiers sa Taiwan.

Ito ay kahit na kulang sa practice ang koponan dahil na rin sa problema sa schedule ng mga player.

Ngayong tanghali, pupunta na sa Taiwan ang Gilas Pilipinas para may apat na raw pa sila para paghandaan ang kanilang laban sa Biyernes sa Taipei Heping Basketball Gymnasium.


Maliban kay Keifer Ravena at Kevin Alas, kumpleto ang line-up na naglaro kontra Taiwan noong Nobyembre.

Suspendido si Ravena habang may injury naman si Alas.

Una nang tinalo ng Gilas ang Taiwan sa una nilang laro, 90-83 sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments