FIBA – Gilas Pilipinas, may game plan na kontra Australia

FIBA – Para makontra ang bentahe sa laki at tangkad ng mga kalaban, sasandal ang Gilas Pilipinas sa liksi at bilis para mabigyan ng magandang laban ang Australia sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Qualifiers sa Melbourne sa Huwebes, February 22.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit punumpuno ng mga guwardiya ang Gilas squad na lumipad patungong Australia kagabi.

Pangungunahan ni Jayson Castro ang four-guard rotation ng koponan na haharap sa world number 10 na Australia. Kasama niya sina Kevin Alas, Jio Jalalon at Kiefer Ravena.


Sina Andray Blatche, Japeth Aguilar at June Mar Fajardo naman ang tatao sa gitna.

Makakasama nila sina Roger Pogoy, Allein Maliksi, Matthew Wright, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Carl Bryan Cruz at Abu Tratter.

May 2-0 win loss slate ang Gilas sa Group B kapareho ng Australia.

Facebook Comments