FIBA | Gilas Pilipinas, panalo kontra Chinese Taipei

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei sa naging laban nila sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Tinalo ng Pilipinas ang Chinese Taipei sa score na 93-71 kung saan nanguna sa panalo sina June Mar Fajardo na may 22-points at Jayson Castro na may 15-points.

Dahil sa panalo, hawak ngayon ng Gilas Pilipinas ang 4-1 win/loss record kaya at pumapangalawa sila ngayon sa group-B.


Makakaharap naman ng Gilas Pilipinas ang number one team na Australia na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan sa July 02.

Facebook Comments