FIBA | Gilas Pilipinas, target na ipalasap sa Australia ang ika-2 sunod na talo nito sa World Cup Qualifiers

Manila, Philippines – Kung dati ay tila imposible, malaki ngayon ang kumpiyansa ng Gilas Pilipinas na posibleng ipatikim nila sa Australia ang ikalawa nitong sunod na talo sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Qualifiers mamayang ala-siyete y media ng gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Bukod kasi sa momentum ng pagtambak ng Gilas sa Chinese Taipei, 93-71, buhay ang pag-asa ng Pilipinas kontra sa Australia dahil galing ang Boomers sa 79-78 na pagkatalo sa Japan.
Inaasahan na muling magpapasiklab si 4-time PBA MVP June Mar Fajardo laban sa mga Australian na pangungunahan ng mga NBA player na sina Matthew Dellavedova at Thon Maker.

Sakaling manalo ang Gilas mamaya, sila ang makakakuha ng top honors sa group B.


Facebook Comments