Isinama na ng Team Pilipinas sina Japeth Aguilar at Matthew Wright sa final list na lalaban kontra Qatar mamayang alas 7:30 ng gabi.
Ito ay dahil natapos na ang suspension ng dalawang manlalaro na ipinataw ng FIBA noong Hulyo sa naganap gulo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia.
Papalitan ng nabanggit na manlalaro sina Allein Maliksi at Raymond Almazan.
Habang papalit naman si Stanley Pringle si Christian Standhardinger bilang naturalized player.
Kabilang rin sa manlalaro sasabak kontra Qatar sina Beau Belga, Alex Cabagnot, Paul Lee, Poy Erram, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Ian Sangalang, Asi Taulava, Scottie Thompson, Mathhew Wright at Japeth Aguilar.
Mayroong 4-3 win-loss record Team Pilipinas habang ang Qatar ay mayroong dalawang panalo at limang talo.