FIBA | Meralco Bolts, talo sa Mono Vampire; 100-92

Thailand – Hindi nakaporma ang Meralco Bolts sa Mono Vampire sa pagsisimula ng FIBA Asia Champions Cup na ginaganap sa Nonthaburi, Thailand.

Tinalo ang Bolts sa score na 100-92 kung saan nanguna sa host team si Marcus Keene na may 29-points.

Nagdagdag din ng 25-points si Michael Singletary para sa Mono Vampire habang nanguna sa panig ng Meralco ang isa sa mga import nito na si Diamond Stone na may 23-points.


Nasayang naman ang double-double na 20points at 18-rebounds nang isa pang import na si import Allen Durham para sa Meralco.

Sunod na makakaharap ng Meralco ang Japanese Ball Club na Alvark Tokyo mamayang ala-1:00 ng hapon.

Facebook Comments