FIBA | Meralco Pilipinas, tinalo ng Alvark Tokyo; 84-73

Hindi pinaporma ng Alvark Tokyo ang Meralco-Pilipinas sa kanilang naging laban sa FIBA Asia Champions Cup.

Tinalo ng Alvark Tokyo ang Meralco sa score na 84-73 kung saan nanguna sa panalo si Alex Ryan na may 23-points at 11-rebounds.

Nabalewala naman ang impresibong 31-points at 12-rebounds ni import Allen Durham para masungkit ng Meralco ang panalo.


Hawak pa rin ng Japan ang top spot sa group B sa kanilang dalawang panalo habang napako naman sa third place ang Bolts na mayroon nang dalawang talo.

Sunod na makakalaban ng Meralco ang Lebanese Ball Club na Al Riyadi mamayang alas-9:30 ng gabi.

Facebook Comments