FIBA | Pilay na Meralco Bolts sisimulan na ang kampanya sa FIBA Asia Champions Cup

Thailand – Isang injury-depleted na Meralco Bolts ang haharap mamaya kontra host team Mono Vampire pagsisimula ng FIBA Asia Champions Cup sa Nonthaburi, Thailand.

Bukod kasi na wala ang tatlong beterano ng koponan dahil sa injury, hindi rin makakapaglaro sa torneo sina Chris Newsome at Cliff Hodge dahil nagka-aberya sa kanilang mga pasaporte.

Pati ang unang import ng Bolts na si Liam McMorrow ay may injury rin kahit hindi pa nagsisimula ang torneo. Papalitan siya sa line-up ni Diamond Lou Stone.


Bukod kina Newsome at Hodges, hindi rin makakapaglaro sina Jared Dillinger, Ranidel De Ocampo at Anjo Caram.

Sa kabila nito, tiniyak ni assistant coach Luigi Trillo na gagawin nila ang lahat para makapaglaro ng maayos ang koponan at mabigyan ng magandang laban ang Mono Vampire na pumangalawa sa Alab Pilipinas sa nakaraang Asean Basketball League.

Facebook Comments