Pinangalanan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang mamumuno ng delegasyon ng Team Pilipinas sa paparating na FIBA Window.
Ito ay sa katauhan ni dating Special Assistant to the President Bong Go.
Ayon kay SBP President Al Panlilio – inaasahang magiging punong abala si Go sa paghahanda sa nalalapit na FIBa Window at dadalo ito sa mga practice ng pambansang koponan.
Ang susunod na FIBA Window ay gaganapin sa Pilipinas sa Nobyembre a-trenta laban sa Kazakhstan at December 3 laban sa Iran.
Nagpapasalamat naman si Go sa SBP at PBA sa oportunidad na maging bahagi ng team.
Susubukan din ni Go na imbitahan si Pangulong Rodrigo Duterte para bigyan ng motivation ang Philippine team.
Facebook Comments