FIBA | SBP, umaasang makakalaro pa si Andray Blatche

Manila, Philippines – Tiniyak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na nasa maayos nang kalagayan si naturalized player Andray Blatche matapos madawit sa isang car accident.

Ayon kay SBP President Al Panlilio, nakausap na nila si Blatche kung saan sinigurado nito na hindi siya nasaktan sa insidente.

Dahil dito, nakahinga ng maluwag ang buong staff ng SBP sa nangyari lalo na at nasa Amerika lamang ito para magpahinga makaraang patawan ng three-game suspension kasunod ng kaniyang naging papel sa rambulan sa pagitan ng Pilipinas at Australia noong buwan ng Hulyo.


Inaasahan naman na makakalarong muli para sa Team Pilipinas si Blatche sa 5th window ng FIBA World Cup Qualifiers sa huling bahagi ng taon.

Facebook Comments