FIBA UNDER-16 ASIAN CHAMPIONSHIP | Batang Gilas, panalo kontra Malaysia

Manila, Philippines – Nasungkit ng Batang Gilas ang buwena manong panalo laban sa Malaysia sa pagsisimula ng FIBA under-16 ASIAN championship sa Foshan, China.

Nanalo ang Batang Gilas sa score na 62-57 kung saan bumida sa national squad si Terrence Fortea na may 15-points habang nag-ambag naman si Kai Sotto ng 12-points at 13-rebounds.

Susunod na makakalaban ng national team ang tournament favorite na Australia sa Miyerkules (April 4).


Facebook Comments