Manila, Philippines – Siguradong mapapalaban ang Batang Gilas Pilipinas sa 2018 FIBA under-17 world cup.
Ito ay matapos mapabilang ang national team sa group-D kasama ang top team tulad ng Argentina na rank number 7, Croatia (no. 8) at France (no. 9).
Base sa format ng FIBA, lahat ng teams ay pasok sa round of 16 kahit pa ano ang maging record nila sa preliminary round.
Magsisimula ang nasabing international tournament sa June 30 hanggang July 8 sa Rosario at Santa Fe sa Argentina.
Facebook Comments